Binuksan ko ang pintuan ng iyong kwarto. Pagkasindi ko ng ilaw, sumalubong sa akin ang kwarto mong sobrang ibang-iba na. Hindi na ito magulo. Naalala ko pa ang sinabi mo sa akin nu’ng una mo akong dinala dito. “‘Wag kang magulat sa kwarto ng isang tunay na lalake. Dahil ang tunay na lalake, hindi nagliligpit ng pinaghigaan dahil may babaeng gagawa nu’n para sa kanya.” Pero ngayon, ang lahat ng gamit ay maayos. Ang kama mo ay sobrang maayos, pati na ang mga unan nito. Ang computer desk at mesa mo ay maayos din. Pati ang gitara mo, nakalagay sa lalagyan nito. Parang hindi mo ito kwarto, parang hindi ito sa’yo. Kasi ‘yung sa’yo, sobrang magulo. Nakakapanibago. Pumasok ako, at sinarado ko ang pinto. Humiga ako sa kama mo. Sa aking pagkakahiga, tumingin ako sa kisame. Maliwanag ang ilaw mo. Parang nakaka-antok. Inayos ko ang pagkakahiga ko at gumawi ako sa may kanan ko, paharap sa pinto. At hindi nagtagal, bumukas ito.
Pumasok ka at nakita mo ako. Ngumiti ka at sinarado mo ang pinto. Naupo ka sa upuan ng computer desk mo at humarap sa akin habang ipinatong mo ang iyong mga siko sa’yong mga tuhod.
(Continue reading “Micro-Kwento #7: Kwarto” here.)
Posted on Tuesday, 9 August 2011