Sa huling pagkaka-alam ko, isa akong ganap at tunay na lalake. Malaki ang tiyan, laging may extra rice, magandang lalake at makisig, hindi pahuhuli ng buhay, at tigasin kapag nalalamigan.
Ngunit bagama’t nalalaman ko ang aking kakisigan at machismo, marami-rami pa rin kasing nagko-“compliment” sa aking mga “lady features.” May mga bagay-bagay daw kasi sa akin na parang babae daw. Eh pucha, color scheme pa lang ng blog e.
(Continue reading “Magandang Lalake is Beautiful Man.”)
Posted on Friday, 15 July 2011