Naalala niyo pa ba itong aking blog entry tungkol sa mga pinaka-naalala kong lumang TV commercials? ‘Yung mga nakikita niyong kina-copy-paste sa ibang mga blogs at kumakalat sa mga chain emails? Matagal ko nang iniisip na gawan ito ng sequel ngunit nagdadalawang-isip ako dahil baka ganu’n din ang kahihinatnan. Pero dahil alam kong marami talaga ang natutuwa sa tuwing napag-uusapan ang magagandang mga palabas sa TV dati, ‘eto na ngayon at ipapabahagi ko sa inyo ang aking naalala. Ito nga ay dahil sa “pinalaki ako sa TV.”
Sa unang bahagi, samahan niyo ako at sariwain natin ang mga hindi ko pa nalilimutang mga palabas sa ABS-CBN Channel 2.
May maraming taon na nagsisimula ang araw ko sa mga cartoons sa umaga, katulad ng Julio at Julia, Peter Pan, Tom Sawyer, Huck Finn, Remi, Ceddie, at marami pang iba na sa sobrang dami e dapat lang na magkaroon ng panibagong blog entry para sa mga ‘to. Susunod naman dito ang Bananas In Pyjamas. May pagkakataon na sa tuwing uuwi ako galing school, saktong simula na ng Teysi Ng Tahanan. Marami din naman akong natutunan sa Awit, Titik, Bilang, at Pambata (ATBP!). Pero bago ‘yan, kantahin muna natin ang opening song ng Sineskwela. Naaliw din ako sa mga portrayal ng mga national heroes sa Bayani at sa mga aral na kapupulutan sa Hiraya Manawari. Ano na nga ba’ng meron du’n sa Chikiting Patrol? Alam niyo ba, naging superior ko sa call center ang isa sa mga miyembro ng…
Continue reading “My Most Memorable Pinoy Old TV Shows Part 1”…