Binibini Sa Jeepney

Lunes

Una kitang napansin nu’ng sumakay ka sa jeep na sinasakyan ko at naupo sa may tapat ko. Nag-aabang nuon ang jeep na mapuno ito. First glance ko pa lang sa’yo, napansin ko na agad-agad ang matamis mong ngiti. Ang iyong kagandahan ay nagliliwanag sa loob ng jeep. Nakalimutan ko ang mga katabi natin. Nakalimutan ko ang mga nagsisibusinang mga sasakyan. Nakalimutan kong malapit na akong ma-late.

Nu’ng umandar na ang jeep, nagpapalit-palit lang ang paningin ko sa’yo at sa mga natatanaw ko sa labas ng bintana. Sa bawat tingin ko sa’yo ay lalong gumaganda ang maganda mong labi kahit na hindi ka naman nakangiti. Naglalaro ang diwa ko: kunwari magkatabi tayo sa jeep, magkahawak-kamay habang dumadampi ang iyong mahalimuyak na buhok sa pisngi ko.

Continue reading: Binibini Sa Jeepney